Tuesday 10 February 2009

INTRO-DUCK-SHOWN

Tambayan ni tambay- hmmmmm..... ewan ko ba kung bakit ito ang napili kong name. Hindi naman ako tambay!?!,
basta sumagi lang sa isip ko.....

Tambay ang tawag sa taong walang ginagawa ,...wala lang sa kanila ang mga nangyayari sa paligid kung ano ang meron yun na..... hindi iniisip ang future, ang bukas, tomorrow, hinaharap, sooner ,later and after, ewan ko ba kung bakit yun ang destiny nila pwede naman silang uupo buong araw, o kaya pagmasdan ang mga busy ants para may inspiration magtrabaho, pwede rin nilang tingnan ang dalawang lasing na nagsusuntukan para malaman nila ang cause and effect,o kaya magpasagasa sa nagraragasang tricycle para meron silang knowledge na makukuha about "The Pain of LIfe", hhhaaaaaaaaayyyyyy, boring no!?! walang ginagawa, gumagawa lang ng wala (sabi ni lobster),buhay tambay,.........

Oo, tambay ang tawag dyan,tambay mang isipin may pakinabang din, imagine, sila ang uubos ng isang daang case ng beer, o diba may trabaho na ang mga beer maker, at tutulong sa palakas ng economy. Sila rin ang ice breaker, alam nyo kung bakit? kasi meron ng action ang magaganap pag merong ng lasing sa kanila, magsusuntukan! o diba hindi ka na pipila sa sinehan para lang mapanood ang paborito mong action star, at take note..... libre na live pa o diba......Sila rin ang tutulong sayo sa oras ng pangangailangan, imagine uubosin lahat ng paninda mo through utang! asan ka maghahanap ng taong tutulungan kang aasenso!?!.... sila ang tambay, tutulong sayo habambuhay....

No comments:

Post a Comment